CvSU Walk Out to Commemorate EDSA People Power

 


Noong Pebrero 25, 2025 pumutok ang isang walk out na inorganisa ng Kabataan Partylist Cavite State University sa Pamantasan ng Cavite State University.

Dahil sa pagmamatigas ng administration at hindi pakikinig sa hinaing ng mga kabsuhenyo ay pumutok ang isang walk out na isinakto sa araw ng pagunita sa People Power.

Sinimulan ito sa tapat ng CAFENR (College of Agriculture, Food, Environment and Natural Resources) at tumungo sa tapat ng CAS (College of Art and Sciences). Unang nag salita ang Presidente ng Silayan na si Jancel Dai kung saan ipinakita at ipinarinig sa mga iskolar ng bayan ang kahalagan ng historical distortion at ang ilang karumal dumal na ginawa ng diktador na si marcos noong panahon ng martial law. pag tapos nito ay dumiretso sa tapat ng CEIT (College of Engineering and Information Technology)

Sa tapat ng CEIT huminto ng ilang minuto upang makapag salita ang Senate President ng CSG ( Central Student Goverment) na si Kylie Meje. ipinatampok ang mga isyung panlipunan na nararanasan ng mga iskolar ng bayan mula noong diktadurya hanggang sa ngayong nararanasan. binigyang diin din ni meje ang mga karapatang pang LGBTQIA+ ang mga karapatang mag kapantay-pantay. pag tapos ni meje ay nag tungo na ang hanay sa Quad ng CED (College of Education) habang lumalakad ay pakapal ng pakapal ang mga studyanteng sumasama sa walkout.

Pag tungo sa quad ay bumuhos ang isang malakas na ulan kasabay naman nito ang malakas na palakpakan ng supporta sa hanay ng mga nag walk out kasama ang iilang instruktor. pinasimulan ng coordinator ng KPL-CvSU ang isang maikling talumpati na pupukaw sa mga nasa quad upang sumama sa walk out. sinundan ito ng CSG Senator na si Alejandra Mata kung saan binigyang diin nya ang magulong kalakaran sa OSAS at sa administrayon. isiniwalat nya rin na ang tunay na pag kilos ay makukuha natin kung tayo ay mag sasama sama at mag tutulungan. pag tapos ni Mata ay dumiretso na sa Administration Building.

habang nag lalakad patungo sa administration building ay ramdam ang papalakas na ulan ngunit hindi ito hadlang para hindi idaos at ituloy ang walk out. patuloy na tumutindig ang mga kabsuhenyos kahit umuulan at walang mga payong.

pag dating sa tapat ng administration Building ay agad sinimulan ang programa sa papamagitan ng isang talumpati na binasa ng KPL-CvSU Coordinator para sa adminsitrasyon. binigyang diin sa mensaheng ito na wag mag bingi bingihan ang mga nakaupo sa administrasyon at wag mag pakatuta sa mga nakakataas. binigyang diin rin ang mga isyung kinakaharap ng bawat istudyante at ang delay na sahod ng iilang istruktor sa pamantasan. pag tapos nito ay tumungo na sa huling yugto at ito ay sa laya't diwa.

pag dating ng laya't diwa ay ilagom na ang programa sa pamamagitan ng isang chant "Iskolar ng bayan ngayon ay lumalaban" at buhayin ang mga makasamang organisasyon para sa pakikibaka ng ating pamantasan.

Comments